Pag nag walk-out siya, habulin mo. Kapag tinitignan niya
lips mo, halikan mo. Kaag tinulak ka niya, yakapin mo at huwag kang bibitaw.
Kapag sinampal ka niya, halikan mo at sabihin mong mahal na mahal mo siya.
Kapag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya. Kapag nakikita mo siyang
pagod na pagod, sabihin mo sa kanya na maganda siya. Kapag umiiyak siya, huwag
kang magsasalita at yakapin mo lang siya ng mahigpit. Kapag nakikita mo siyang
naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo siya sa likod. Kapag
natatakot siya, protektahan mo. Kapag sinandal niya ulo niya sa balikat mo,
taas mo ulo niya at i-kiss mo sa ilong. Kapag inaasar ka niya, asarin mo rin
siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon.
Kapag hindi niya sinasagot ng matagal, siguraduhin mong ayos lang siya. Kapag
tinignan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sa kaniya ang totoo at
huwag na huwag kang magsisinungaling. Kapag sinabi niyang mahal ka niya,
nagsasabi siya ng totoo at galing sa puso niya. Kapag kinuha niya kamay ang mo,
hawakan mo rin kamay niya. Kapag nagsabi siya sa'yo ng sikreto, ibig sabihin
pinagkakatiwalaan ka niya na huwag mong sasabihin kahit kanino. Kapag tinignan
ka niya sa mata, huwag kang lilingon hangga't hindi siya lumilingon. Kapag
namimiss ka niya ng sobra, nasasaktan siya ay iparamdam mo sa kaniya na kahit
hindi kayo magkasama siya pa rin ang laman ng isip at puso mo. Kapag nasaktan
mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Kapag sinabi niyang
ayaw na niya, gusto ka pa rin niyang maging sa kaniya. Tawagan mo siya bago ka
matulog at paggising mo. Huwag kang matutulog hangga't hindi siya nakakatulog
lalo na kapag may sakit siya. Panoorin niyo ang paborito niyang movie kahit na
ayaw mo. Hayaan mong suotin niya ang damit mo. Patunayan mong importante siya
sa'yo. Halikan mo siya sa ulan. At higit sa lahat huwag na huwag kang magsasawa
sa kaniya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang
parang prinsipe niya.
No comments:
Post a Comment