Saturday, March 11, 2017

May mga Bagay!

May mga bagay talagang hindi para sayo. Hindi dahil mahina ka, hindi dahil hindi ka sapat, hindi dahil sa di mo kayang ihandle lahat ng stress at problema. Hindi lang talaga para sayo. Kahit ginalingan mo na, ginawa mo na ang lahat ng option na meron ka, kahit magpakatanga ka ng paulit ulit. Hindi lang tlga yun para sayo. Kasi may tamang panahon ang lahat, may tamang oras at tao na darating na ipaparealize sayo na hey! Ito na yun ohh.. Heto na ako!! Yung hinihintay mo. Pero hindi ganun kadali yun. Kailangan mong pagdaanan lahat ng hirap at sakit at masabi mong wew worth it. Kailangan mong uminom ng galon galong kape para magising sa katotohanan na hindi ka niya mahal, na may mahal siyang iba at okay na siya na okay kayo. Kailangan mong pigilan lahat ng pwdeng pagselosan, inggit at hindi mo malamang pagkalungkot. Kailangan mo ng space at maraming oras para sa sarili mo. Paano mo malalaman na okay ka na? Okay na ako na malamang okay siya, masaya siya kahit hindi ako yung reason kung bakit siya masaya. Okay na ako na alam ko na nandyan siya kahit hindi kami magkita, magkasama o malayo kami sa isat isa. Okay na ako na malaman ko na nagsisisi siya sa lahat ng sakit na naidulot nya sa akin at alam nya na pinatawad ko na siya. Okay na ako na alam ko at alam nya na minahal ko siya ng sobra at mahal ko parin siya hanggang ngayon. Okay na ako kasi alam ko na may Diyos at naniniwala ako sa plano niya para sa akin. Totoo nga na maraming bagay, pagkakataon, tao na hindi talaga para sayo. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong magmokmok, kaawaan at sirain ka ng lahat ng yun. Patunayan mo na worth it ka. Na deserve mong maging masaya. Na malakas ka. Na kaya mo. At maniwala ka. May mga bagay na para sayo hiniling mo man o kusang ibinigay ng Diyos

No comments:

Post a Comment