Siya 'yung tipo ng kaibigan na joker sa barkada. 'Yung kapag
nandiyan siya, lahat tumatawa. Siya yung palaging masasandalan mo kapag may
problema ka, pagkatapos niyang mag-payo, patatawanin ka niya. Siya yung
palaging magsasabi sa lahat na, 'Kaya mo yan. Ikaw pa? Strong ka eh!' Bibigyan
ka ng lakas ng loob bumangon kapag down na down ka na. Siya yung kaibigan na
magbibigay sa iyo ng tapang kapag napanghihinaan ka na ng loob. Siya yung
kaibigan na gagawin lahat para sa barkada, kahit makalimutan na ang sarili
basta mapa-saya lang kayo. Siya yung barkada na hindi mo makikitaan na mahina
siya, na may problema siya, na nasasaktan din siya kasi para sa kaniya, kapag
ipinakita niyang ganoon siya, kakaawan niyo siya at malulungkot din kayo para
sa kaniya.
Ang gusto niya masaya lang lahat kahit pag-uwi niya ng
bahay, dun niya iiiyak lahat. Lahat ng problemang nagpapasakit sa kaniya. Lahat
ng problemang kinikimkim niya. Lahat ng problemang haharapin niyang mag-isa. Sa
panlabas na emosyon matapang siya pero sa loob, durog na durog na siya.
Asan na nga ba siya ngayon? Ito, wasak na, hindi na kinaya
yung sakit na nararamdaman niya. Sumabog na siya hindi niyo alam na yung syota
niya binasag yung maskara na nagtatago sa hinanakit niya. Kaya anong
kinalabasan?? Eto, lalakeng malungkot at wala ng kompyansa sa sarili niya. Sana
matauhan yung babae sa ginawa niya. Sinayang niya ang isang lalakeng kayang
tiisin lahat para sa mga kaibigan niya at para na rin sa babaeng mahal niya.
No comments:
Post a Comment