Tuesday, March 7, 2017

Limang senyales na gusto ka niya


Naguguluhan ka ba? Nagtatanong kung gusto ka ba nya? Kung mutual ba ang feelings nyong dalawa? Ang pagkakaroon ng crush ay isa sa pinakakaka-ibang feelings sa mundo. Yung hindi mo malaman-laman ang gagawin pag nanjan siya. Yung hindi mo malaman-laman ang sasabihin pagkinakausap mo sya. Kaya nating aalamin kung paano nga ba malalaman kung crush ka nang crush mo o like ka nang like mo o gusto ka nang GUSTO mo =D. In short, paano mo nga ba malalaman kung may gusto ang isang tao sayo? Top 5 signs na gusto ka niya.

Una, Nagtatanong siya kung single ka pa ba?
  • ·         Hindi magiging interesado ang isang tao sa lovelife mo kung hindi siya interesado sayo mismo. Sa pamamagitan ng hindi tuwiran na pagtatanong sayo o sa mga kaibigan mo kung may karelasyon ka na nga ba. Siguro ang pinaka obvious yung  magtatanong siya na single ka pa ba tapos sabay hingi ng cellphone number mo. Yung gusto niya lang malaman kung paano o saan siya lulugar sa buhay mo. Nang hindi malagay sa alanganin sa kung anong relasyon ang meron kayo ngayon o sa takot na mauli lang ang lahat sa pagka-Busted.


Pangalawa, Lagi mo siyang nahuhuli na nakatingin sayo tapos biglang baling sa iba.
  • ·         (Haha) Aminin mo yan ang pinaka cute na tingin sa lahat nang tingin. Sabi nga nila, pag nahuli ka ng crush mo na nakatingin ka sa kanya. Malamang eeh, nakatingin na rin siya sayo. Sa unang beses na mangyari ito, Coincidence lang daw yun. Sa pangalawang beses, curiousity na. Sa pangatlo o sa mga susunod pang nahuli mo siyang nakatingin sayo, “it’s a sign already na attractive talaga siya sayo” as they say; “The eyes are the windows to the soul” Kaya bantayan mo kung anong tingin ang meron siya para sayo sa tuwing kausap mo siya. Kung hindi siya makatingin sayo nang diretso or more than two (2) seconds. Automatic, may kakaibang feelings siyang nararamdaman. Yan yung may kaba kasi may something nga eeh. Yung pag nagkasalubong kayo sa daanan iiwas siya ng tingin tapos pag magkatabi naman kayo. Kunwari hindi ka papansinin na para bang wala ka, kung hindi ka nag e-exist yung nagkakahiyaan na kayo sa isa’t isa o baka nahihiya lang talaga siya aminin na may gusto siya sayo. Kaya  kuntento na siyang tanaw ka na lang sa malayo.


Pangatlo, Kung nasaan ka nandun din siya.
  • ·         Kung makikita mo siya sa isang lugar na nandun ka. Maaaring nagkaataon lang yun pero kung madalas mo na siyang nakikita sa isang lugar kung nasaan ka rin (haha) ibang usapan na yan. (Haha) nako,  ibang tama na niya sayo siguro sinasadya na niya yun. Kasi “ He just can’t take his eye of you” kasi gusto ka niya laging nakikita.


Pang-apat, Bumabanat siya ng jokes.
  • ·         Yung nag-eeffort siya mag-joke mapatawa ka lang. para rin maiparamdam niya sayo na Masaya siya kasama ka. Yung gusto niyang makita at maging dahilan kung bakit masaya ka. Maraming mga babae gustong gusto ang isang lalake may “sense of humor” kaya marahil gusto niya maging komedyante  kahit minsan ang korni niya naman mag-jokes. Kaya din minsan todo effort siyang magpatawa sayo. Kasi nga nagugustuhan ka na niya pero minsan naman natural talaga sa kanya ang pagiging masiyahin.


Pang-lima, Lagi ka niyang inaalala.
  • ·         Yung maririnig mo na lang sa kanya na sasabihan kang “ ingat ka.” o tatanungin kang “ Kumain ka na ba?” hindi niya naman  sasabihin ang mga yun kung wala lang diba? Yung palagi ka niyang tutulungan halos sa lahat ng bagay at sa kung kahit anong paraan pwede niyang gawin para sayo. Yung may problema ka nanjan siya lagi para i-comfort ka. At sinusubukan lutasin ang mga ito.


Sa totoo lang, madali lang mahalata kung may gusto siya sayo kung hindi ka lang naman manhid at mapagmasid sa palagid mo. Bukod naman jan, ang major clues mo ay hindi sa kanya kundi sa mga friends niya mismo. Kung napapansin mo inaasar siya ng mga kaibigan niya pag dumadaan ka. Kapag kinakausap mo siya iba ang ngiti ng mga barkada niya. Dapat medyo halata mo na ang mga bagay bagay. Yung naga ayos siya o cheni-check na kung madumi ang damit niya pag katabi mo siya ay pwede ring signs na type ka niya. Although, don’t and never assume quickly dahil may mga taong natural na sa kanila yun. Yung feeling na hindi siya sumasalungat sa mga sinasabi mo. Yung tumatawa siya kahit gaano pa kakorni ang mga jokes mo. At napaka-supportive sa lahat ng mga ideas mo. Ito ang mga senyales din nang paghangad niya sayo. May kakilala ka ba na nagpapakita ng mga ganitong mga senyales sayo o napansin mo ba ang sarili mo na ganito nga ang kinilos mo pag nanjan siya. Yan ang iba’t ibang signs kung paano mo malalaman kung may gusto siya sayo pero watch out ka pa rin kasi hindi naman to palaging tama. Ngayon na, nalaman mo na ang mga ito. Sure ka na, Na tamang panahon na para gumawa ng first move mo. Pero tandaan: “No one should ever assume unless stated” baka kasi naturally sweet lang talaga siya. Yan din, Kung siya na rin mismo aaminin na may gusto siya sayo. Kaya Good luck na lang sa love life mo =D.  

No comments:

Post a Comment