Saturday, March 11, 2017

Joker

Siya 'yung tipo ng kaibigan na joker sa barkada. 'Yung kapag nandiyan siya, lahat tumatawa. Siya yung palaging masasandalan mo kapag may problema ka, pagkatapos niyang mag-payo, patatawanin ka niya. Siya yung palaging magsasabi sa lahat na, 'Kaya mo yan. Ikaw pa? Strong ka eh!' Bibigyan ka ng lakas ng loob bumangon kapag down na down ka na. Siya yung kaibigan na magbibigay sa iyo ng tapang kapag napanghihinaan ka na ng loob. Siya yung kaibigan na gagawin lahat para sa barkada, kahit makalimutan na ang sarili basta mapa-saya lang kayo. Siya yung barkada na hindi mo makikitaan na mahina siya, na may problema siya, na nasasaktan din siya kasi para sa kaniya, kapag ipinakita niyang ganoon siya, kakaawan niyo siya at malulungkot din kayo para sa kaniya.
Ang gusto niya masaya lang lahat kahit pag-uwi niya ng bahay, dun niya iiiyak lahat. Lahat ng problemang nagpapasakit sa kaniya. Lahat ng problemang kinikimkim niya. Lahat ng problemang haharapin niyang mag-isa. Sa panlabas na emosyon matapang siya pero sa loob, durog na durog na siya.

Asan na nga ba siya ngayon? Ito, wasak na, hindi na kinaya yung sakit na nararamdaman niya. Sumabog na siya hindi niyo alam na yung syota niya binasag yung maskara na nagtatago sa hinanakit niya. Kaya anong kinalabasan?? Eto, lalakeng malungkot at wala ng kompyansa sa sarili niya. Sana matauhan yung babae sa ginawa niya. Sinayang niya ang isang lalakeng kayang tiisin lahat para sa mga kaibigan niya at para na rin sa babaeng mahal niya.

May mga Bagay!

May mga bagay talagang hindi para sayo. Hindi dahil mahina ka, hindi dahil hindi ka sapat, hindi dahil sa di mo kayang ihandle lahat ng stress at problema. Hindi lang talaga para sayo. Kahit ginalingan mo na, ginawa mo na ang lahat ng option na meron ka, kahit magpakatanga ka ng paulit ulit. Hindi lang tlga yun para sayo. Kasi may tamang panahon ang lahat, may tamang oras at tao na darating na ipaparealize sayo na hey! Ito na yun ohh.. Heto na ako!! Yung hinihintay mo. Pero hindi ganun kadali yun. Kailangan mong pagdaanan lahat ng hirap at sakit at masabi mong wew worth it. Kailangan mong uminom ng galon galong kape para magising sa katotohanan na hindi ka niya mahal, na may mahal siyang iba at okay na siya na okay kayo. Kailangan mong pigilan lahat ng pwdeng pagselosan, inggit at hindi mo malamang pagkalungkot. Kailangan mo ng space at maraming oras para sa sarili mo. Paano mo malalaman na okay ka na? Okay na ako na malamang okay siya, masaya siya kahit hindi ako yung reason kung bakit siya masaya. Okay na ako na alam ko na nandyan siya kahit hindi kami magkita, magkasama o malayo kami sa isat isa. Okay na ako na malaman ko na nagsisisi siya sa lahat ng sakit na naidulot nya sa akin at alam nya na pinatawad ko na siya. Okay na ako na alam ko at alam nya na minahal ko siya ng sobra at mahal ko parin siya hanggang ngayon. Okay na ako kasi alam ko na may Diyos at naniniwala ako sa plano niya para sa akin. Totoo nga na maraming bagay, pagkakataon, tao na hindi talaga para sayo. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong magmokmok, kaawaan at sirain ka ng lahat ng yun. Patunayan mo na worth it ka. Na deserve mong maging masaya. Na malakas ka. Na kaya mo. At maniwala ka. May mga bagay na para sayo hiniling mo man o kusang ibinigay ng Diyos

Payong Kaibigan!

I made this counsel para sa isang kaibigan na sobrang taas nang pride at para gusto ko na ring bumago siya. So, here it is.


They were obviously still in love with each other. The only problem is, ginawa nilang barrier ang pride and keep on chasing sa naging problema nila or let's say the reason why they set each other apart. Very wrong! Paka-totoo kayo Bes, 'yan ang pinaka the best na magagawa niyo. And take note, hindi magandang gawain ang manggamit ka ng ibang tao just to fill those space na alam mong sa umpisa palang eh, 'yong taong mahal mo na ang makakapuno nito and because of your pride, your using someone para lang "mapag-selos" at "makaganti" ka doon sa taong nakasakit sa'yo. To tell you, isang malaking kalokohan ever! Lalo na kung mahal ka pa pala niya ng hindi mo namamalayan? Tapos sa kaka-gamit mo ng iba para lang mapag-selos siya eh unti-unti niyang narerealize na mali pala talaga ang mahalin ka, na tama lang pala 'yong unang naging desisyon niya, at 'yon nga ay ang saktan ka. Dahil first of all, hindi ka niya nakitaan ng pagiging seryoso. Playtime lang kasi sa'yo ang lahat ng bagay, so it only means na takot siya, takot siyang sumugal sa bagay na walang kasiguraduhan kaya siya nag give up. Kaya ang mapapayo ko lang sayo Bro, mag isip-isip ka. Tigilan mo na kung anong kahibangan ang ginagawa mo ngayon. Just continue on pursuing and chasing her. Malay mo may marating hindi ba? Have the balls dude! Malay mo, biglang mabaligtad ang mundo, mahalin ka niya sa parang hindi mo inakala. So sayang 'di ba? Kaya kung ako sa'yo, mag bago ka na. Ipakita mo sa kaniya na mas deserving ka, mas mahalin mo siya, learn to make some "efforts" huwag mong hayaang maramdaman niyang marami siyang kahati. Sino ba namang gusto ang may kahati 'di ba? Just focus on her, huwag ka ng lumingon pa sa iba kung gusto mong makuha siya. Every girl deserves to be treated like a princess. Kung gusto mong makuha ang matamis niyang "oo" at hindi ang malulutong niyang mura sa'yo dahil diyan sa pagiging babaero mo eh mag isip-isip ka and lastly, be a man enough to tell her what you feel. Kung torpe ka at may hiya sa katawan, edi i-express mo 'yong feelings mo sa paraang pasulat. Dude, maraming paraan! Huwag mong hayaang mawala siya lalo na kung mahal mo pa. Dahil alam kong pagsisisihan mo 'yan sa bandang huli.


Wednesday, March 8, 2017

Si Pag-ibig!












Pag nag walk-out siya, habulin mo. Kapag tinitignan niya lips mo, halikan mo. Kaag tinulak ka niya, yakapin mo at huwag kang bibitaw. Kapag sinampal ka niya, halikan mo at sabihin mong mahal na mahal mo siya. Kapag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya. Kapag nakikita mo siyang pagod na pagod, sabihin mo sa kanya na maganda siya. Kapag umiiyak siya, huwag kang magsasalita at yakapin mo lang siya ng mahigpit. Kapag nakikita mo siyang naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo siya sa likod. Kapag natatakot siya, protektahan mo. Kapag sinandal niya ulo niya sa balikat mo, taas mo ulo niya at i-kiss mo sa ilong. Kapag inaasar ka niya, asarin mo rin siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon. Kapag hindi niya sinasagot ng matagal, siguraduhin mong ayos lang siya. Kapag tinignan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sa kaniya ang totoo at huwag na huwag kang magsisinungaling. Kapag sinabi niyang mahal ka niya, nagsasabi siya ng totoo at galing sa puso niya. Kapag kinuha niya kamay ang mo, hawakan mo rin kamay niya. Kapag nagsabi siya sa'yo ng sikreto, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya na huwag mong sasabihin kahit kanino. Kapag tinignan ka niya sa mata, huwag kang lilingon hangga't hindi siya lumilingon. Kapag namimiss ka niya ng sobra, nasasaktan siya ay iparamdam mo sa kaniya na kahit hindi kayo magkasama siya pa rin ang laman ng isip at puso mo. Kapag nasaktan mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Kapag sinabi niyang ayaw na niya, gusto ka pa rin niyang maging sa kaniya. Tawagan mo siya bago ka matulog at paggising mo. Huwag kang matutulog hangga't hindi siya nakakatulog lalo na kapag may sakit siya. Panoorin niyo ang paborito niyang movie kahit na ayaw mo. Hayaan mong suotin niya ang damit mo. Patunayan mong importante siya sa'yo. Halikan mo siya sa ulan. At higit sa lahat huwag na huwag kang magsasawa sa kaniya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang parang prinsipe niya.

Tuesday, March 7, 2017

Limang senyales na gusto ka niya


Naguguluhan ka ba? Nagtatanong kung gusto ka ba nya? Kung mutual ba ang feelings nyong dalawa? Ang pagkakaroon ng crush ay isa sa pinakakaka-ibang feelings sa mundo. Yung hindi mo malaman-laman ang gagawin pag nanjan siya. Yung hindi mo malaman-laman ang sasabihin pagkinakausap mo sya. Kaya nating aalamin kung paano nga ba malalaman kung crush ka nang crush mo o like ka nang like mo o gusto ka nang GUSTO mo =D. In short, paano mo nga ba malalaman kung may gusto ang isang tao sayo? Top 5 signs na gusto ka niya.

Una, Nagtatanong siya kung single ka pa ba?
  • ·         Hindi magiging interesado ang isang tao sa lovelife mo kung hindi siya interesado sayo mismo. Sa pamamagitan ng hindi tuwiran na pagtatanong sayo o sa mga kaibigan mo kung may karelasyon ka na nga ba. Siguro ang pinaka obvious yung  magtatanong siya na single ka pa ba tapos sabay hingi ng cellphone number mo. Yung gusto niya lang malaman kung paano o saan siya lulugar sa buhay mo. Nang hindi malagay sa alanganin sa kung anong relasyon ang meron kayo ngayon o sa takot na mauli lang ang lahat sa pagka-Busted.


Pangalawa, Lagi mo siyang nahuhuli na nakatingin sayo tapos biglang baling sa iba.
  • ·         (Haha) Aminin mo yan ang pinaka cute na tingin sa lahat nang tingin. Sabi nga nila, pag nahuli ka ng crush mo na nakatingin ka sa kanya. Malamang eeh, nakatingin na rin siya sayo. Sa unang beses na mangyari ito, Coincidence lang daw yun. Sa pangalawang beses, curiousity na. Sa pangatlo o sa mga susunod pang nahuli mo siyang nakatingin sayo, “it’s a sign already na attractive talaga siya sayo” as they say; “The eyes are the windows to the soul” Kaya bantayan mo kung anong tingin ang meron siya para sayo sa tuwing kausap mo siya. Kung hindi siya makatingin sayo nang diretso or more than two (2) seconds. Automatic, may kakaibang feelings siyang nararamdaman. Yan yung may kaba kasi may something nga eeh. Yung pag nagkasalubong kayo sa daanan iiwas siya ng tingin tapos pag magkatabi naman kayo. Kunwari hindi ka papansinin na para bang wala ka, kung hindi ka nag e-exist yung nagkakahiyaan na kayo sa isa’t isa o baka nahihiya lang talaga siya aminin na may gusto siya sayo. Kaya  kuntento na siyang tanaw ka na lang sa malayo.


Pangatlo, Kung nasaan ka nandun din siya.
  • ·         Kung makikita mo siya sa isang lugar na nandun ka. Maaaring nagkaataon lang yun pero kung madalas mo na siyang nakikita sa isang lugar kung nasaan ka rin (haha) ibang usapan na yan. (Haha) nako,  ibang tama na niya sayo siguro sinasadya na niya yun. Kasi “ He just can’t take his eye of you” kasi gusto ka niya laging nakikita.


Pang-apat, Bumabanat siya ng jokes.
  • ·         Yung nag-eeffort siya mag-joke mapatawa ka lang. para rin maiparamdam niya sayo na Masaya siya kasama ka. Yung gusto niyang makita at maging dahilan kung bakit masaya ka. Maraming mga babae gustong gusto ang isang lalake may “sense of humor” kaya marahil gusto niya maging komedyante  kahit minsan ang korni niya naman mag-jokes. Kaya din minsan todo effort siyang magpatawa sayo. Kasi nga nagugustuhan ka na niya pero minsan naman natural talaga sa kanya ang pagiging masiyahin.


Pang-lima, Lagi ka niyang inaalala.
  • ·         Yung maririnig mo na lang sa kanya na sasabihan kang “ ingat ka.” o tatanungin kang “ Kumain ka na ba?” hindi niya naman  sasabihin ang mga yun kung wala lang diba? Yung palagi ka niyang tutulungan halos sa lahat ng bagay at sa kung kahit anong paraan pwede niyang gawin para sayo. Yung may problema ka nanjan siya lagi para i-comfort ka. At sinusubukan lutasin ang mga ito.


Sa totoo lang, madali lang mahalata kung may gusto siya sayo kung hindi ka lang naman manhid at mapagmasid sa palagid mo. Bukod naman jan, ang major clues mo ay hindi sa kanya kundi sa mga friends niya mismo. Kung napapansin mo inaasar siya ng mga kaibigan niya pag dumadaan ka. Kapag kinakausap mo siya iba ang ngiti ng mga barkada niya. Dapat medyo halata mo na ang mga bagay bagay. Yung naga ayos siya o cheni-check na kung madumi ang damit niya pag katabi mo siya ay pwede ring signs na type ka niya. Although, don’t and never assume quickly dahil may mga taong natural na sa kanila yun. Yung feeling na hindi siya sumasalungat sa mga sinasabi mo. Yung tumatawa siya kahit gaano pa kakorni ang mga jokes mo. At napaka-supportive sa lahat ng mga ideas mo. Ito ang mga senyales din nang paghangad niya sayo. May kakilala ka ba na nagpapakita ng mga ganitong mga senyales sayo o napansin mo ba ang sarili mo na ganito nga ang kinilos mo pag nanjan siya. Yan ang iba’t ibang signs kung paano mo malalaman kung may gusto siya sayo pero watch out ka pa rin kasi hindi naman to palaging tama. Ngayon na, nalaman mo na ang mga ito. Sure ka na, Na tamang panahon na para gumawa ng first move mo. Pero tandaan: “No one should ever assume unless stated” baka kasi naturally sweet lang talaga siya. Yan din, Kung siya na rin mismo aaminin na may gusto siya sayo. Kaya Good luck na lang sa love life mo =D.  

Wednesday, February 1, 2017

Ligaw na Trahedya


Patawad..

Hindi ko ninais na ika’y madamay
Sa gulo na gumulo sa tahimik mong buhay
Biglaang naglaho ang payapang pamumuhay
At napalitan ng kaguluha’t walang katapusang ingay.

Hindi ka handa’t walang dalang payong
Nang umulan ng bala’y hindi man lang nakasilong
Sa labis na takot ay nagpagulong-gulong
Walang tigil sa iyak at pagsigaw ng “Tulong!”

Ngunit di naglao’y bigla mong niyakap,
Ang iyong pinakamamahal na bunsong anak
Damit na dala’y agad-agad na hinanap
Mapunasan man lang ang kanyang dugong dumanak

Sa gitna ng daa’y naiwang nakahandusay
Ang kanyang katawa’t mga pangarap sa buhay
Hindi man lamang nabigyan ng maayos na lamay
Ang butihing anak mong walang kasalana’y namatay

Sa halip magdusa’t habambuhay malungkot,
Ika’y nagalit at napuno ng puot
Hawak ang armas na iyong napulot’
Sarili’y isinali sa nakagisnang sigalot.

Kaya’t patawad aking kaibigan,
Hindi ko sinasadyang gawin kang ganyan,
Isang teroristang kaaway ng bayan,
Kapwa Pilipino ang siyang kalaban.


Thursday, January 26, 2017

“An pagkamuot ko kay Ina”



Puon kang ako ay minundag mo sa kinaban
Pano-pano ang sakung buhay ki kaugmahan
Ugma, na halos saimo ko lang namatian
Ugma, na para sakuya sarung kayamanan


Inang mabuot, maigus asin maalaga
Mga karakter na saimong ipinapadama
Luto mong daing madaug kumpara sa iba
Sa pag alaga mati mi an pagkamuot mo ina


Pero, Nata ito? Sarung aldaw nagbago ka?
Dai mi na mati ang saimong pag alaga
Pagka-aga, sa taning mi pirmi ka na wara
Sa arung, tig hahanap ko an simong presensya


Naghabot an Odto asin Bangi na wara ka
Pirang aldaw an naglipas ni anino mo wara
Inaaaa! Suriyaw kang puso ko na tig hanap ka
Napupungawun na ako, hain ka na baya?

Tig para hanap-hanap ko an sakuyang ina
Nag-babaka sakaling masabatan taka na
Hanggang sa maumayan ang sakung itsura
An sakung muot na ina sumalangit nawa

Saturday, January 21, 2017

About Myself (Who I Am)


“To be yourself in a world that is trying to make you something else is a great accomplishment”. So, a question such as “who am I?”  Really gives me the opportunity to differentiate and express who I really am and who I can be. I am not a complex teenager who thinks the world is against me, nor am I an overly sophisticated “know- it- all” who doesn’t take time to pay attention to my surroundings. I can’t say I’m like every other teenager because there are certain things that make me a unique individual. What I can say is that I am progressing to make a brighter future for myself.

I’ve always been known for having a happy and sometimes had an energetic personality. I love to smile thus making others smile along with me. Being helpful has been a trait of mine since a young age. Lending a helping hand surely brought joy to me; so inevitably, I volunteer my services a lot. For example, when I have a free time I go to Children International (CI) just to volunteer. I am the one who manage the Computer Laboratory there. Hence, I wanted to become a Programmer someday but now I’m taking up Bachelor of Arts in Journalism.

My future goals and accomplishments are very important to me. I don’t want to just be able to say “I graduated college”, I want to be able to say “I graduated college AND achieve all my accomplishments. I am an aspiring Programmer with the hopes of traveling to various places, while leaving a legacy and a memorable name for myself. Choosing the occupation as a Programmer has been set in stone in my mind since the age of fourteen. With my determined drive and enthusiastic ambitious personality, I will strive to make it happen.

However, I always try to make enough leisure time for family, friends, and activities. As some may say “all work and no play makes Jack a dull boy”. My favorite activities are Basketball and Online Games. Basketball is like a relaxing sport for me even though I find myself to be very good at it. I also enjoy dancing; but just to have a good time. I try to include sports and activities besides school work into my daily life because it’s important to be well- rounded as a person.

My background explains a lot of who I am and the values that I have developed. I always strive for the best in life has had a great influence on me. I am a hard worker and very compassionate with my goals in life. “Who am I?” is a question I have been trying to answer my entire life. It seems to be a never- ending answer because I find myself to be a striving to be more than I am.